Ito na ang huli

ITO NA ANG HULI

Isang akala, Isang akala na akala ko meron pang pag-asa
Isang akala na kay sarap paniwalaan
Isang akalang, sa huli ako lang ang nasasaktan
Umasa ako
Umasa na sa huli ay pwede pa
Umasa ako na baka
Baka sakaling akoy mapansin mo pa
Pero ito na ang huli
Ito na ang huli na gagawa ako ng tula
Gagawa ng tula ngunit
Hindi na ikaw ang paksa
Isa, dalawa, tatlo,
tatlong tula ang ginawa
Tatlong tula na ikaw ang paksa
Sa bawat pag sulat ng paksa
May mga nasasayang na luha
Sa bawat sulat ng paksa
Mararamdaman mo ang sakit ng aking nadama
Sa tula na nga lang ba isusulat lahat?
Sa tula na nga lang ba pwedeng sabihin sayong
Mahal Kita, Mahal na Mahal Kita.
Oo Mahal kita
Pero ito na ang huli na mamahalin ka
Mahirap man pero susubukan ko
Susubukan ko ang kalimutan ka
Kahit sa umpisa palang walang ikaw at ako
Mali man na minahal
Kita Wala akong magagawa
Dahil sa mali ako sumaya
Pero wag kang mag-alala
Ito na ang huli na mamahalin ka
Ito na ang huli at kakalimutan na Kita

~Cabsta

Leave a comment