Nature, Travel

Nature, Travel

Tinago Falls, first time ko maka punta ditp sa picture na yan. May mga malalaking puno at may falls noong una hindi ako nag expect na ganito yung makikita ko akala ko pa daretso na yung daan yun pala hindi. May hagdanan na kay taas kung lakbayin nung pa punta kami sa falls okay pa eh makikita mo kung gaano ka ganda yung tipong kakarating mo lang akala mo may ulan pero wala pala dahil lang pala yun sa tubig galing doon. May tubig na kulay asul at may mga bato na malalaki napaka ganda ng view “what a beautiful nature it is” kaya lang hindi siya safe pag lumangoy ka ng walang life jacket kase napakalalim daw nito at totoo nga. May balsa din na pwede mong sakyan kung gusto mong pumunta sa tubig na umaagos galis sa taas. Sumakay kami dun, nang nandon na kami woow as in woow ang ganda nya parang umuulan tas napaka enjoy kase may parang rainbow dahil sa pagpatak patak ng tubig. Yung feeling na napakaganda sa feeling pag nandun ka pero pag pauwi na dun mo na mafefeel yung hirap dahil sa gravity parang hinihila ka pababa kay dami ba namang steps dun tas paangat pa kanya kanyang hingal na pag pauwi na pero napaka worth it pag nandun ka at naranasan mo mga maliit na adventures doon.

Leave a comment