Mt. Agad Agad

Yung kahit ilang pawis pa yan, kahit nakakapagod na, yung tipong gusto mo nang sumuko pero kinakaya mo kase dapat laban lang para ma abot yung gusto mo. Kahit ikaw nalang mag isang naglalakad kase nauna na yung iba kaya lumalaban ka nalang ng mag isa, yun yung maganda eh kahit anong pagsubok kinakaya mo gaya nalang nag pag akyat sa Mt. Agad2. Wala share ko lang po hehe

Success tayo brad HAHAHA

Ito na ang huli

ITO NA ANG HULI

Isang akala, Isang akala na akala ko meron pang pag-asa
Isang akala na kay sarap paniwalaan
Isang akalang, sa huli ako lang ang nasasaktan
Umasa ako
Umasa na sa huli ay pwede pa
Umasa ako na baka
Baka sakaling akoy mapansin mo pa
Pero ito na ang huli
Ito na ang huli na gagawa ako ng tula
Gagawa ng tula ngunit
Hindi na ikaw ang paksa
Isa, dalawa, tatlo,
tatlong tula ang ginawa
Tatlong tula na ikaw ang paksa
Sa bawat pag sulat ng paksa
May mga nasasayang na luha
Sa bawat sulat ng paksa
Mararamdaman mo ang sakit ng aking nadama
Sa tula na nga lang ba isusulat lahat?
Sa tula na nga lang ba pwedeng sabihin sayong
Mahal Kita, Mahal na Mahal Kita.
Oo Mahal kita
Pero ito na ang huli na mamahalin ka
Mahirap man pero susubukan ko
Susubukan ko ang kalimutan ka
Kahit sa umpisa palang walang ikaw at ako
Mali man na minahal
Kita Wala akong magagawa
Dahil sa mali ako sumaya
Pero wag kang mag-alala
Ito na ang huli na mamahalin ka
Ito na ang huli at kakalimutan na Kita

~Cabsta

Harana (OPM song)

Harana (OPM song)

Harana song, ito yung pinili Kong OPM song kase parang gusto Kong sagutin Ang tanong sa kanta “uso paba ang hara?” Para sa akin Hindi, nawala na Ang harana kase kabataan now a day’s simpleng usap lang sila na agad yung tipong nawala na sa atin yung harana harana Kung manliligaw ka sa taong Mahal mo. If you ask me would I be agree na ibalik Ang harana my answer is YES kase para sa akin Ang harana kase nagpapakita ng sincerity nagpapakita ng totoong nararamdaman yung tipong malalaman mong seryoso siya dahil kahit anong kaba pa yan gagawin niya maharanahan ka lang. Ang henerasyon ba Ang nagpabago sa atin o tayo ang nagpabago sa henerasyon. Okay I admit na Isa rin ako sa adik sa Social Media. I just want to share na gusto kong maibalik Ang Harana in terms of panliligaw kase it shows real love, feelings, honesty and sincerity.

Nature, Travel

Nature, Travel

Tinago Falls, first time ko maka punta ditp sa picture na yan. May mga malalaking puno at may falls noong una hindi ako nag expect na ganito yung makikita ko akala ko pa daretso na yung daan yun pala hindi. May hagdanan na kay taas kung lakbayin nung pa punta kami sa falls okay pa eh makikita mo kung gaano ka ganda yung tipong kakarating mo lang akala mo may ulan pero wala pala dahil lang pala yun sa tubig galing doon. May tubig na kulay asul at may mga bato na malalaki napaka ganda ng view “what a beautiful nature it is” kaya lang hindi siya safe pag lumangoy ka ng walang life jacket kase napakalalim daw nito at totoo nga. May balsa din na pwede mong sakyan kung gusto mong pumunta sa tubig na umaagos galis sa taas. Sumakay kami dun, nang nandon na kami woow as in woow ang ganda nya parang umuulan tas napaka enjoy kase may parang rainbow dahil sa pagpatak patak ng tubig. Yung feeling na napakaganda sa feeling pag nandun ka pero pag pauwi na dun mo na mafefeel yung hirap dahil sa gravity parang hinihila ka pababa kay dami ba namang steps dun tas paangat pa kanya kanyang hingal na pag pauwi na pero napaka worth it pag nandun ka at naranasan mo mga maliit na adventures doon.